Sa panahong ito ay masyado na tayong
naiimpluwensiyahan ng ibang bansa kaya tayo ay tumatangngkilik na sa ibang
mga kultura at wika. Tayo ay nagiging
banyaga na sa ating sariling bansa. Hindi naman masama ang tumangkilik ng ibang
kultura ngunit huwag nating kalimutan at maging dayuhan tayo sa atting bansa.
Sabi nga nila lahat ng sobra ay nakakasama.
Ang
tema ng buwan ng wika sa taong ito ay, “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang
Filipino.” Layunin nito na palawakin ang kamalayn ng bawat Filipino tungkol sa
iba’t-ibang katutubong wika na nasa Pilipinas. Ang tema ay itinaon dahil
itinalaga ng UNESCO na ngayong 2019 ang International Year of Indigenous
Language.
Ang logo ng Komisyon ng Wikang Filipino sa taong ito ay pinangalan nilang “sarikulay” dahil sa sari-sari nitong kulay na sumisimbolo sa iba’t-ibang kultura at wika na meron ang mga mamamayang Filipino. Sa gitna ng sarikulay ay may baybayin na “ka” na siyang unang letra sa Komisyon ng Wikang Filipino.
Ayon sa
KWF, mayroong 130 katutubong wika na kailangang pagyamanin at alagaan ang
bansang Pilipinas. Mayroong 8 pangunahing wika sa Pilipinas. Ito ay Bikolano,
Bisaya, Hiligaynon, Pangasinense, Kapampangan, Waray, Tagalog, at Ilokano.
Maraming
kakaiba at magagandang kultura pa ang ating puwedeng makilala at mapag-aaralan
sa susunod na taon. Marami rin tayong maipapakilala para sa susunod na
henerasyon.
References:
http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Slider_BW2019-768x269.png
http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/logo_bw2019.png
References:
http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Slider_BW2019-768x269.png
http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/logo_bw2019.png
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento